Monday, April 7, 2014

Islam: Paano ito Naging Daan sa Pagtakas ni Freddie Aguilar sa Batas ng Pilipinas?

(galing sa: www.pep.ph) 
Marami ang nagulat nang may lumabas na isyu na nagsasabi na ang batikang composer at mangawit na si Freddie Aguilar ay may nobya na labing anim na taong gulang. Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga Pilipino is isyu na ito. Marami ang nagkundamena na hindi dapat magkaroon ng ganoong klaseng relasyon sa kadahilanang malayo ang kanilang agwat sa edad (maaalala na si Freddie Aguilar ay 60 anyos na). Ang iba naman ay nagpaka-“open-minded” at sinabi na wala dapat makatututol sa pagmamahalan ng dalawang tao at walang kinalaman ang edad pagdating sa pagmamahal. Samantalang ang iba naman ay nagkibit balikat nalamang at walang pakialam sa isyu dahil nga naman hindi naman nila buhay ang pinaguusapan. Nang sinabi ng legendary singer na si Aguilar na gusto nilang magpakasal ng kanyang nobya, mas marami ang nagtaas ng kilay dito. Hindi lamang yan, ito ay labag sa batas ng Republika ng Pilipinas. Bilang solusyon, si ka-Freddie ay nagpaconvert patungo sa Islam upang mapakasalan ang kaniyang labing anim na taong nobya at sila nga ay sumailalaim sa Muslim na kasalan noong Nobyembre 22, 2013. Isang tanong ang bumungad sa isip naming bilang mga magaaaral at bilang mga kabataan sa bansang ito. Ito ay “Bakit naging daan ang pagpapaconvert sa Islam upang takasan ni Freddie Aguilar ang batas ng Pilipinas?” Ang isyu at ang sagot sa aming katanungan ay bubusisiin sa mga susunod na talata.

Islam at ang Batas ng Pilipinas
(galing sa: www.newsgra.ph)
                Marami sa atin ang nagtataka kung paano nagpakasal si Freddie Aguilar sa kanyang  labing anim na taong gulang na nobya. Ang sagot sa tanong na ito ay ang relihiyong Islam at kung paano tinatanggap ang kasalang ito.
                Sa aming open forum na naganap noong nakaraang martes (april 1) na pinamagatang “Kultura, Kaugalian at Paniniwala ng mga Babaeng Muslim”, binanggit ng ispiker na ipinagbabawal ang pakikipagrelasyon ng walang pahintulot ng magulang o ang tinatawag nilang pormal na kasunduan. Ito’y kadalasan ay ayon sa kagustuhan ng magulang ng babae at lalaki. Minsan daw ay pagkatapos ng kasunduan ay agad agad ng kinakasal ngunit sa panahon ngayon ay kadalasan nang binibigyan ng panahon ang dalawang magnobyo upang magkakilala ang isa’t isa at magkaroon na tinatawag na emotional attachment.
                Sa kaso ni Freddie Aguilar at ang kanyang nobya, sila ay may pahintulot naman ng magulang ngunit hindi inilalantad kung sila ba ay “engaged” or pinagkasunduan. Maaring ito’y sikretong pakikipagdate lamang o kung ano man. Ngunit ang naging basehan dito ay ang pagpayag lamang ng magulang ng nobya sa kasalan nila.

                Batay sa kulturang Islam…
                Ayon ka Mangudadatu, nunong ng magasawa, “Ang edad na sinasabi ay age of puberty so ibig sabihin yung baga yung sexual life or first menstrual period. As long as may consent ng parents ay walang puwedeng humadlang.” Malinaw na isinasaad dito na maari silang maikasal AYON lamang sa kulturang Islam.

            At dagdagan pa ito ng ayon sa batas….
             “Presidential Decree No. 1083, which recognizes the system of Filipino Muslim laws, provides that "any Muslim male at least 15 years of age and any Muslim female of the age of puberty or upwards and not suffering from any impediment under the provisions of this Code may contract marriage." Malinaw na isinasaad ditto na maaring silang ikasal ayon rin sa batas.
               
Ang Isyu ng Pagpapablik Islam ni Freddie Aguilar
                Maraming nagsasabi na ang pagbabalik-Islam ni Freddie Aguilar ay sa kadahilanang kasal lamang nila ng kanyang nobya.Ito naman ay kanyang dinepensahan at sinabing matagal narin niyang kinukwestiyon ang kanyang paniniwala. Na noong bata pa lamang siya at nagtataka na siya kung bakit espanyol ang pagturo sakanila ng relihiyon. At kanyang napagtanto na hindi ito dapat paniwalaan sapagkat ang mga espanyol ang nagpahirap sa atin.
                Ayon sa imam (ang tawag sa paring muslim) na ang pag-convert sa Islam ay hindi katanggap tanggap kapag ang dahilan ay kasalan lamang. Kaya’t sa kanyang dahilan na noong siya’y nagkaroon ng pagdududa sa kanyang paniniwala, ito’y tinanggap ng Imam. At dagdag pa riyan ang kanyang rason na sa Islam lamang katanggap tanggap ang relasyon nilang dalawa.

Opinyon
(galing sa: www.pinoystop.com)
                Para sa akin, ito’y isang katanggap tanggap na pangyayari, ngunit isang sitwasyon na hindi nakasanayan ng karamihan. Maraming mga konserbatibong Pilipino na naniniwala pa rin sa traditional at makalumang pamamaraan.  Conventional, ika nga, ang tipo ng mga taong konserbatibo. Hindi madalas magbukas ang isip nila sa mga makabago at kakaibang pamamaraan. 
                Ngunit aking napagtanto lamang na ang ilan sa batas ng Islam ay masyadong relatibo o nagbibgaya ng pansariling pananaw. Gaya rin ng Relihiyong Katoliko, may basehan ng tama o mali ngunit ang moralidad sa kabuuan ay relatibo. Kaya’t noong nagbigay ng “katanggap tanggap” na rason si Freddie Aguilar kung bakit siya ay magbabalik muslim, ito’y natanggap agad. Kung gayon lang pala magpaconvert, madali lang pala manipulahin ang pagiging Muslim.
                Pero sa kabila ng lahat, Ito’y karapatan natin bilang mga Pilipino at bilang mga tao hangga’t walang tinatapakang karapatan ng ibang tao. Ang batas ay batas ngunit hindi lamang ito basta basta sinusundan, ito’y inuunawaan.




Sanggunian: 
              http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/11/22/13/teen-explains-why-she-married-freddie-aguilar

            

No comments:

Post a Comment